Tuesday, December 20, 2011

" Mahal kita pero Bawal "

Hi sa inyo . . ang love story na to ay tungkol kay Lorry na may pusong babae na in love sa kanyang classmate na gwapo pero bully na si Oliver, 
     
     "Si Lorry 18 years old isang nursing student. . . second year college sa isang sikat na nursing school sa QC. .
Hindi mo ma intindihan ang ugali ni Lorry kc Tahimik minsan naman kwela na ewan. . . hindi naman matalino si Lorry hindi rin naman tanga, , , average lang kung baga. . . matangkad gwapo, sabi ng mga friend nya pero sayang bakla. . bully din naman si Lorry pero di tulad ni Oliver lahat na ata ng ugali ng isang bully na sa kanya na, itago ba naman ang RegCard ng ka klase nya sa panahon ng Prelim exam, ayun nganga classmate nya di nakapag exam . sayang dn daw si Oliver sobrang gwapo kaso yun nga bully, , saksakan ng yabang kc matalino. . ewan, cguro nung nag pa ulan ng katalinuhan ang Dios tulog lahat na mabait."


"First day of school for second year second sem"
( sa entrance ng school )


Wylin: Hoy bakla
Lorry: Oi shunga. . musta?
Wylin: Grabe naman to ma shunga ha
Lorry: ahhy sorry . . TANGA! ayan ha
Wylin: Shunga na ngalang. . .bakla ka klase daw natin yung mahangin, sabi nung mga sunog baga. . 
Lorry: Whats new? . . ewan ko ba kung bakit palagi nating ka klase yang Oliver na yan. hmmmm kinikilig ako 
           na natatakot, baka ako pag tripan nun. baka pag P.E natin habang nag bibihis ako. . 
Wylin: Ambisyosa ka!
Lorry: (sinapak sa Wylin) Gaga di pa ko tapos mag kwento hirit ka kaagad
Wylin: nag pause ka kc
Lorry: pag nag pause tapos na agad? di ba pwedeng lumunok lang ng laway muna?
Wylin: mamatay na lumunok ng laway!
Lorry: Edi makiramay ka!
Wylin: ano bkc? tapusin mo.
Lorry: eto na nga eh no... kc eh maka interrupt eh no. . 
Wylin: ano na?
Lorry: baka kc kunin yung mga damit ko. .
Wylin: ahy Oo nga gurl:. . . katulad dun sa nang yari kay Robert. . ayun na buking na butas yung brief. .
Lorry: hmmmp bahala na. . tara na nga
Wylin: Gora 


( sa may elevator. habang naka pila si Wylin at Lorry ay dumating sa Oliver nguya nguya ang bubble gum)


Wylin: (takot na ewan) hala bakla. . 
Oliver: (tinulak ng mahina si Lorry) Hoy bading!. . 
Lorry: (nakataas ang isang kilay) Bakit!?
Oliver: (nakangiting pang asar) Hoy bading!
Lorry: (di lumingon ka Oliver) Hayyst. . #%%#@%*&%^ to ah
Oliver: Bakit may bakla dito? May BBB dito ah!
Wylin: (siniko sa Lorry) Ayan na naman bakla. . ready baka biglang bumulosok ang malakas ng hangin may 
           kasama payang alikabok.
Lorry:(Hinarap si Oliver) BBB?
Oliver: (tumawa) Baklang Bading Barrier . . .
Lorry: (napatalikod agad, sabay tawanan yung mga ibang nakapila) Wylin tara na mag hagdan tayo.
Wylin: (tinarayan ng tingin si Oliver) Tara bakla baka buhawi pa yung dumating dito.


(Habang umaakyat sa hagdan)

Lorry: Kaasar talaga, grrrrr. . sumpain sana yung Oliver na yun . .
Wylin: Asus sus sus, , si bakla kung maka sumpa kala mo walang feelings para kay Oliver.
Lorry: ihhhh . . ene be? . . hihihi , , sa totoo lang kinilig ako kanina. . haha
Wylin: Hala ka! . grabe ka bakla, , kaw na dakilang martir.
Lorry: Ano kaba? ok lang no. at least napapansin nya ko. . alam mo kahit bully yang Oliver na yan , mahal ko 
          parin sya.
Wylin: Tse . . tsura mo.

(Sa classroom)

Wylin: Grabe bakla hiningal ako don a. . 1st floor to 7th floor, kumusta naman no? my God. .
Lorry: Kaya nga. . ok na din yun, pang exercise, kesa naman sumabay tayo kay Oliver baka ano pa gawin
          satin nun.
Wylin: Ahy bakla sino yun? ang ganda nya oh. .
Lorry: Ay oo nga . . tara chikahin natin. .
          Hi, , ako nga pala si Lorry, , ano name mo? transferi ka cguro no? You look unfamiliar.
Jessie: (nakipag kamay) Im Jessie. . yes transferi ako.
Lorry: Ohw Jesssie, nice to meet you. sya nga pala si Wylin best friend ko.
Wylin: Hi, , nice to meet you
Jessie: Nice to meet you too Wylin.
Lorry: Oi Jessie sang school ka galing?
Jessie: sa Near Eastern University lang. .
Lorry: Ahhh
Jessie: Ahy w8 . .kilala nyo bayung guy dun sa may dulo?
Wylin: San dyan?
Jessie: Yung kumakain ng bubble gum.
Lorry: Ahh si Oliver yan. .
Wylin: Gwapo no?
Jessie: Oo nga eh , , crush ko kaya sya. . haha
Lorry: (sa isip) May paga ka haliparot din tong hinayupak na to ah. .
Jessie: scr8 lang natin to ah . . hahahaha
Lorry: ( plastik maka smile ) ohhww sure. . . no problem...
Wylin: ah eh ha ha ha. . hahahaha Sure

(Makalipas ang ilang minuto)
(dumating na ang prof)

Wylin: Ahy sir andyan na pala kayo?
Prof: Hindi. Wala pa joke lang to. .
Lorry: Aray . . basag ka te? . . wag kasi shunga shunga , , masakit? . .buti nalang sinanay kita sa ganyan 
         medyo di kana affected.
Wylin: Ahy corrected by ka dyan gurl. . grabe to si sir kala mo maganda, ,eh bilang lang naman ang buhok sa 
           ulo hahaha
Lorry: hayaan mo na, , bakit maganda ka?
Wylin: Hindi . . 
Lorry: Oh tahimik na. .

( Nag orient ang prof nila about sa kanilang kailangan at dapat nilang gawin sa subject nila, pagka tapos ay nag lecture nadin ito para sa prelim nila, sa bawat tanong ng prof ay na kaka dami ng sagot si Oliver, barado naman lage si Wylin. .Si jessie, ayaw din patalo kay Oliver, banat din sya ng sagot habang si Lorry tahimik lang. . makaraan ang ilang lingo na pansin ni Lorry at Wylin na tila tahimik si Oliver, di na sumasagot, minsan tulala, mga score nya sa quiz bakgsak bagsak na lage. .nag alala si Lorry para sa baby nya. . gusto nya mang kausapin si Oliver ngunit takot sya baka kung ano pa gawin sa kanya, , palaging sinusundan ni Lorry si Oliver, , nakita nyang nag iisa lang ito palage di gaya ng dati, , , Isang araw ay nag absent si Oliver, alalang alala si Lorry para kay Oliver kasi never pa itong nag absent, maliban lang kung may mga quizz bee sa school kailangan nyang mag excuse. .wala ding excuse letter na binilin. )

Wylin: Hala bakla, nag absent si baby mo. . for the first time ha. .
Lorry: Kaya nga eh, , nag aalala na nga ako eh. . ano kaya nangyari don . .
Wylin: Baka may sakit.
Lorry: hmm ewan ko don. . sana ok lang sya. .

( Pagka tapos ng klase sabay umuwi si Wylin at Lorry. . Pinag uusapan nila si Oliver, , na padaan sila sa isang bar, nagulat sila kc nakita nila si Oliver lasing na lasing at nang gugulo, at naka uniform pa, , Lumapit sila sa guard na tila pinapakalma si Oliver. )

Guard: Ohy boy lakas ng tama mo. . upo ka dyan,
Lorry: Ah mamang guard, kanina pa po ba yan dito?
Guard: Ahy Oo, mula ng mag bukas kami kanina pumasok na sya, nag yoyosi tapos maya maya nag order na  
           ng alak tas yun sunod sunod na. .
Lorry: Ganun po ba , , cge po salamat . . Oi gurl grabe , , kaya pala absent sya kanina pa pala sya dito. .
Wylin: tsek tsek, ,ano kaya problema nyan?
Lorry: hmmmp ewan ko . . . cge manong guard iuuwi na namin to, ka klase po kasi namen to eh . . 
Guard: ganun ba? . . cge . . para ko kayo ng taxi.
Wylin: Salamat po. .
Lorry: Wylin tulungan mo ko, kunin mo yung bag ni Oliver
Wylin: Cge gurl , , dahan dahan dyan ha, ,
Lorry: Oo, , ako na bahal dito . . 
Lorry: Oliver, , hoooist Oliver gising (tinapik tapik ang mukha ni Oliver) Hali kana uwi na tayo. .
Oliver: uhhhhhh
Lorry: Grabe to, , lasing na lasing. .

( Walang malay si Oliver dahil sa sobrang kalasingan habang karga karga sa likod ng guard habang naka alalay naman si Lorry sa likod, Wala paring malay si Oliver ng dumating sila sa bahay nila Wylin)

Wylin: buti wala sila mama, andon sa bicol, next month payun uuwi.
Lorry: Bakla mag init ka ng tubig then mag timpla kana din ng kape.
Wylin: Cge, , pasok mo nayan sa kwarto, don sa kwarto ko ha. . at note hmmmmp bakla, wag kang mag
          kakamaling anohin si Oliver ha. . hmmmm
Lorry: Gaga, hindi ako ganun no , , , 

(Pag dating sa kwarto, , di mag kamayaw si Lorry kung ano gagawin nya, takot sya baka magalit si Oliver, pero inisip nya ang awa sa crush nya. . Basang basa ang damit na pantaas ni Oliver kaya hinubad nya ito. . kabadong kabado si Lorry sa ginagawa nya. . Nakita ni Lorry ang matipunong katawan ni Oliver, nagulat si Lorry sa nakita, , ang macho kc si Oliver. . maputi, makinis at malaki ang dib dib pang macho talaga at may Abs pa ito 8 packs pa. . Napalunok ng laway si Lorry sa nakita.)

Lorry: OMG. . ang macho pala ni Oliver, , ihhhh , ,kinikilig ako
Wylin: Bakla ito na mainit na tubig, , Ahy hala ginawa mo? Hala ka bakla malandi ka. .
Lorry: Tse. . gaga ka talaga, , hinubaran lang ng damit malandi na agad?. . akin na nga yan.
Wylin: Sorry naman . . Oi bakla ang macho ng baby mo ha. . 8 packs my god kala ko sa tv at picture ko lang   
         nakikita tong mga to. ngayon na hahawakan ko na. . gurl abs ba to?
Lorry: Hindi. . pwet yan pwet. .gaga malamang abs di ba tinuro sayo yan since elementary? now you know. .

(Habang pinupunasan ni Lorry si Oliver, pinakialaman ni Wylin ang phone ni Oliver)

Wylin: Ahy bakla ang taray ng phone nya ha Iphone4s
Lorry: Wag mo ngang pakialaman yan.
Wylin: Oi bakit walang password to?
Lorry: malamang alam nyang walang makikialam yan kc bully yan. . takot mga kaklase natin dyan. .bitawan 
          mo na nga yan . . Hoy! yung kape san na?
Wylin: hehe wala pa. . ahy bakla taray oh may diary diary palang alam to si Oliver. . mabasa nga. .haha
Lorry: *&^*^%$%^^ mo talaga eh no . . sabing wag mong pakiaalam yan. . isa. .!
Wylin: . . grabe ka naman . . cge na nga. . hmnmmmf

(Habang nag titimpla ng kape si Wylin. . binasa ni Lorry ang diary ni Oliver.na basa nya don na laging nag aaway ang momy at dady ni Oliver dahil pa lugi na ang companyang hawak nila simula nung araw na tahimik si Oliver sa school.)

Lorry: Hala, kaya pala. . kawawa naman si baby ko. . akala ko walang pake to, ,akalain mo sa subrang bully 
          may emotion pa pala toong gagong to. . pero cute ka parin. . haha (sabay kurot sa pisngi ni Oliver)
Lorry: Grabe ang cute mo Oliver , pag naging tayo. . never na never kitang sasaktan .

(habang hinihintay ni Lorry ang kape, titig na titig ito sa mukha ni Oliver, Gwapong gwapo sya, maamo mukha tila na paka inusenteng tao. . habang tinititigan ni Lorry ay palapit na palapit ang mukha nito sa mukha ni Oliver, tila gusto nya itong halikan, palapit pa ito ng palapit , , hanggang sa , , hanggang sa. . . .dumating si Wylin, dala ang kape.)

Wylin: Hoy bakla. . ano yan?

(gulat na gulat si Lorry at napa tayo ito bigla)

Lorry: Ahh ehhh kuan ano. . may langgam sa mukha nya hinipan ko lang
Wylin: Asus . . . sure ka?
Lorry: Ehh gaga ka pala eh . . akin na nga yan.
Wylin: Ano? . .gigisingin paba natin yan para pa inumin lang ng kape? tulog na tulog eh . . .
Lorry: Bakit? may sinabi ba akong si Oliver iinom?
Wylin: Eh para san yan?
Lorry: Para sakin iinumin ko bakit?
Wylin: Gaga ka bakla. . nag effort pa naman ako sa pag titimpla nyan, , kainis ka . .


( Nag kwentuhan ang dalawa hanggang sa nilamon na sila ng antok, naka tulog sila sa sahig, , 6:30 am nagising si Lorry, gulat gulat ito ng makita nyang wala na si Oilver sa kama, dali dali nya itong hinanap habang mahimbing na natutulog si Wylin.)


Lorry: Hala nasan na yun si Oliver? andito naman ang bag pati wallet nya, O yung sapatos nya andito rin, , san 
          kaya yun?


(Hinanap nya ito sa buong bahay, , sa terrace, sa kusina, sa mga kwarto sa 2nd  at 3rd floor ng bahay pati sa mga cr nito pero wala,pati sa sala at sa hardin sa harap ng bahay pero maski anino ni Oliver di nya mahagilap labis na nag aalala si Lorry)


Lorry: isang part nalang sana andon sya. .


(Pagdating ni Lorry sa likod ng bahay nakita nya si Oliver naka upo sa gilid ng swimming pool)


Lorry: Oliver andito kalang pala kanina pa ako nag hahanap sayo kala ko umalis ka na na parang ewan.
Oliver: Sorry ha. mahimbing kasi kayong natutlog ni Wylin kaya di ko na kayo ginising. .
Lorry: (napatingin lang si Lorry sa mukha ni Oliver dahil sa kaamohan nito na tila sinaniban ng anghel)
Oliver: Lorry. . ok ka lang? Lorry?
Lorry: Ah eh Oo. . ok lang ako, ikaw nga dapat ang tanungin ko kung ok kalang, grabe lasing na lasing ka 
          kagabi.
Oliver: Ok na ako dahil sayo , sa inyo ni Wylin. . salamat ng marami, Nahihiya ako sa inyo dahil naging bully
          ang trato ko sa inyo noon, di ko alam kung pano ko kayo pasasalamatan sa pag tulong nyo sakin
          kagabi.
Lorry: Haha wala yun. . ikaw pa (namumula) wag mong intindihin yun, dapat lang na tulongan ka namin bilang 
          classmate mo.Bakit kaba nag lasing nang ganun ganun?
Oliver: Nagawa ko yun para makalimutan ang mga problema ko kahit saglit lang, pero eto na naman
           bumabalik na at naaalala ko ulit. (tinabihan ni Lorry si Oliver) every time na naaalala ko tong mga to, di
           ko ma pigilang malungkot. Lorry tulungan mo ko, parang di ko na makakaya to.(bakas sa mukha 
           ni Oliver ang labis na kalongkutan)
Lorry: Ahmm Oliver sorry ha binasa ko yung diary mo.
Oliver: Alam ko(habang binabasa ni Lorry ang diary kagabi ay palihim na tinitingnan sya ni Oliver) ok lang
           yun. . mapagkakatiwalaan ka naman cguro,
Lorry: Ahh Oo naman. . haha . . ammmp alam mo Oliver di solusyon ang pag lalasing, pano kung may
          nagawang kang di inaasahan kagabi? edi dag-dag problema na naman, may punto ka sa sinabi mong 
          nakakalimutan mo ang mga problema mo kahit panandalian lang pero habang di mo naayos yung mga
          problema na yan, babalik at babalik parin yan sa isip mo. . Ito gawin sabihin mo sa parents mo na mas 
          nasasaktan ka tuwing nakikita mo silang nag aaway, imbis na mag away sila eh mag tulongan nalang 
         silang ayusin ang palugi nilang kompanya.
Oliver: Pero Lorry di lang kasi negosyo ang problema nila.
Lorry: Ha? akala ko....
Oliver: May isang pang problema at involve ako dun. .
Lorry: ha? bakit? anong ibig mong sabihin?
Oliver: (naluluha) May aaminin ako. . kasi Lorry ano eh, , kuan . . ahmm, , pano ko ba sasabihin sayo?
           nahihiya ako. .
Lorry: Ano kaba? classmate tayo Oliver matagal na. . tas pano kita matutulongan dyan sa problema mo kung 
           di mo masasabi sakin. . wag kanang mahiya. .
Oliver: Kasi ano eh. . Lorry ahmmm. . ano
Lorry: Ano?


 (Biglang niyakap ni Oliver si Lorry, nagulat si Lorry sa nangyari, dimaka galaw si Lorry sa sobrang higpit ng yakap sa kanya, tulala sya sa mga sandaling yun.)

Lorry: (sa isip) a a di ako makapaniwalang yayakapin ako ng crush ko ( napapikit si Lorry )
Oliver: (bumuhos ang luha sa mga mata) Lorry. . . 
Lorry: (sa isip) aaminin nya kayang may pagtingin din si Oliver sakin? dios ko pano na to?
Oliver: Lorry. . tatay na ako!!!

(Gulta na gulat si Lorry sa narinig, parang pinagbagsakan sya ng bwan, mala echo sa kanyang pandinig ang sinabi ni Oliver na tatay na sya, bumitaw si Lorry sa pag yakap at bumagsak sa kanyang mga mata ang luha ng kabiguan)


Lorry: Ha? pero. .ha? totoo ba yang sinasabi mo ( mga bigkas nya habang lumuluha )
Oliver: Oo Lorry. . na buntis ko yung anak ng kasosyo ng tatay ko sa trabaho, at pilit nila akong managot sa 
           ginawa ko, pero di ko alam kung pano Lorry. sabi ng tatay nung nabuntis ko na aalis sya sa
           partnership nila ni dad pag di nila ako pananagutin, Lorry naka sa lalay dun sa tatay ng na buntis ko
           ang takbo ng negosyo ng daddy ko malaki asi ang share na binigay nya.
(Patuloy ang pag iyak ni Lorry, Tumayo ito at nag lakad palayo kay Oliver, di alam ni Lorry kung pano o ano ang magiging reaksyon nya sa nalaman , , habang nag lalakd sya ay nahulog ito sa pool)


Oliver: Lorry. . . (sabay talon sa pool, dinala ni Oliver si Lorry sa mababawng part ng pool) Lorry ano ba?
           ano nangyari sayo?
Lorry: (umiiyak) Wala Oliver, na bigla lang cguro ako, (nangiginig ito habang nag sasalita) Congrats tatay
          kana, , masaya ako para sayo. ( pagkatapos ay nag lakad ito palayo, biglang sumigaw si Oliver )
Oliver: Oo Lorry alam kung may pagtingin ka sakin,. (napahinto si Lorry sa pag lalakad at lumingon
           habang palapit naman si Oliver sa kanya) Alam kong crush mo ko Lorry sinabi ni Wylin sakin matagal
           na. (Niyakap si Lorry) Sorry. . nasaaktan kita, pero alam mo naman cguro ang epekto pag naging
           tayo (napa luha din si Oliver habang sinasabi ang mga linyang iyon)
Lorry: (humagulgul) Oo Oliver. . alam ko ang epekto kaya masaya ako na hanggang crush lang ako sayo. .
       
(Naghiwalay ang dalawa sa pag yayakapan)


Lorry: tatay kana. may responsibilidad kanang dapat asikasuhin. . Oliver. . Mahal na Mahal kita . . pero 
          Bawal na. .may anak kana, mag kaka pamilya kana. .ang swerte mo di ka baog.
Oliver: Lorry....
Lorry: Ok lang ako Oliver, , ang OA ko naman, kung maka react ako feeling na mag jowa tayo eh no. .
          hahaha
(Pilit mag patawa ni Lorry pero di ito na itatago ang bakas ng labis na pag ka bigo, umahon sa pool si Lorry at pumasok sa bahay habang naiwan si Oliver sa pool, ang di nila alam ay kanina pa nakikig si Wylin sa pinag uusapan ng dalawa)


Wylin: Gurl ok ka lang?. . grabe narinig ko lahat. . sorry kung nasabi ko kay Oliver yun ha, pinilit nya kasi ako
          eh, , sorry.
Lorry: wala yun Wylin . . Ok lang ako, dala lang to ng pag ka bigla.


(Pumasok sa banyo si Lorry at binuhos lahat ng sama ng loob sa pag iyak, umiyak sya ng umiyak, dinam dam ang sakit na pumasok sa kanyang puso at nilabas nya ito lahat. si Wylin naman dinalhan ng towel si Oliver)


Wylin: Oliver o. (nag aalala)
Oliver: Si Lorry?
Wylin: Andon na naliligo, eto oh mag patuyo ka. . papasok lang ako sa loob mag titimpla lang ako ng mainit 
          na tsokolate
Oliver: Cge salamat.


(habang nag aantay si Oliver kay Wylin ay dumating si Lorry)


Oliver: (tumayo) Lorry. Ok kalang ba? . .sorry talaga ha?
Lorry: (Ngumiti na tila walang nararamdamang sakit)  Hala ano kaba bakit ka nag sosorry?, , wala yun . . 
           na bigla lang talaga ako. . tsaka hahahahaha di naman kita boyfriend no para mag emote ako ng ganun
           ganun, , ,haha
Oliver: Haha . . kaw talaga, halika nga dito tabihan mo ko. (inakbayan si Lorry) Ok lang Lorry na crush mo 
          ko, , natural yan sa mga gaya mo. di ako galit, di rin ako nangdidiri, buti nga may nag kaka crush sakin 
          kahit na napaka bully ko, (napangiti si Lorry sa narinig) Lorry, , ang swerte ng mga taong naging
          kaibigan mo, napaka bait mo sana maging kaibigan kita, kayo ni Wylin..
Lorry: Talaga? ang haba naman ng hair ko sa mga narinig ko Oliver hahaha. . Syempre friends kong friends 
          choosy pa ko ha.Best Friend Forever . hahaha ( nawala ang lungkot ni Lorry )
Oliver: haha talaga. . salamat Lorry. .Best Friend Forever
Lorry: sus wala yun. .
Wylin: Ohy teka sali ako dyan mga Best Friend Forever . . hahahaha


(Makaraan ang ilang buwan, naging masaya bilang isang tatay si Oliver sa kanyang anak na babae na pinangalanan nyang Lorraine, , ang pangakong binatawan ng tatlo na best friend forever ay mahigpit na dumadaloy sa kanila, sa katunuyan ay Ninang si Lorry at Wylin sa binyag ng ng anak ni Oliver, ang mga magulang naman ni Oliver ay panay ang suporta sa anak nila at sa apo nilang si Lorraine. Makalipas ang ilang araw ay Prelim exam na nila, na take nila lahat ang exam pati na si Oliver na bumawi sa mga bagsak nyang quiz noon.)


(kinabukasan)


Lorry: (habang nag aantay sa may quadrangle)  san na kaya yung dalawang yun? ang tagal ha.
Oliver: (sumigaw) Lorry...........


 (napalingon si Lorry bigla at na gulat sa dalang flowers ni Oliver)


Lorry: Ohww wow ang ganada nemen nyan. . para kanino? sa misis mo?
Oliver: Hindi. .Lorry flowers for you, pasasalamat sa lahat lahat ng kabutihang ginawa mo sakin.
Lorry: Wow, , thank you ha. . grabe kanaman nag abala kapa,
Wylin: Oi guys sorry ha late ako. .
Oliver: ok lang kakarating ko lang din. . ewan ko dito kay Lorry baka kanina pa to. .
Lorry: Ok lang . . magkasunod sunod lang tayong dumataing, na una nga lang ako haha. .
Wylin: Wow bakla taray, , may pa flowers flowers ka ngayon ah , , taray naman. .
Lorry: ahy Oo nga eh . . hahaha si Oliver nag bigay thank you gift nya sakin. .
Wylin: Ahy . . Over ha
Lorry: Oi bakla sino naman yang kasama mo?
Wylin: Ah . . Oliver and Lorry si Japs pala pinsan ko, eto ang dahilan bakit na late ako, ang tagal kc mag bihis
           sinama ko kc kuhaan lang naman ng exam result ngayon eh. Japs si Oliver at Lorry pala, mga best
           friend ko.
Japs: Hi guys. . nice to meet you guys (Nakipag shake hands)
Oliver: Nice to meet you too bro
Lorry: Hellow nice to meet you too Japs
Japs: Owh Lorry, diba ate sya yung na kwento mo sakin na best friend mo?


(napataas ang isang kilay ni Lorry habang tumitingin kay Wylin)


Lorry: Wylinnnn?
Japs: Tama ba ako ate?
Wylin: (kabado) Ahh ehhh ano kuan . . Oo. . hihihi
Lorry: (iniba agad ang usapan at umalis) Guys tara na baka ma late pa tayo, Wylin halika gurl sabay tayo 
           (plastikan maka sabi si Lorry)
Wylin: Cge gurl. . (napalunok ng laway) patay ako nito Oliver. .bakla hintay
Oliver: Haha good luck sayo. . Japs Lets go. . wag kang mahihiya ah?
Japs: Cge. . thanks  


(nagsabay si Oliver at Japs samantalang si Wylin ay pina ulanan ng sermon ni Lorry, sinabi ni Wylin kay Japs ang lahat about Lorry pati na ang pag tingin nito at lahat ng sakripisyo ni Lorry kay Oliver., panay sorry si Wylin kay Lorry, nag harutan ang dalawa at nag habulan, habang na una ang dalawa ay nag kwentuhan si Japs at Oliver habang pa akyat sa hagdan)


Japs: Tol ang swerte mo sa friend mo na si Lorry ha.
Oliver: Oo nga eh.
Japs: Cguro kung lahat ng gay dito ka ugali ni Lorry, payag akong ligawan sila. .
Oliver: (nan laki ang mata at na gulat sa narinig) Ah eh. .talaga?
Japs: Oo naman. . (at inunahan si Oliver sa pag lalakad) Ate Wylin (sigaw ng binata)
(Nakipag habulan din si Japs sa dalawa samantalang si Oliver ay patuloy sa pag lalakad)


Oliver: (Napatawa) ang lakas ng trip ng Japs na yun ah. . mukhang in love kay Lorry: hahaha. . pag naging sila 
           ewan ko nalang . . . Hoyyy antayin nyo ko. .


(masayang nag habulan ang apat , ang harutang Wylin at Lorry ahy na uwi sa larong habulan, , , , )

( 6 months after ay 3rd year na sila naging mag ka klase ang tatlo, naging ok ang buhay ni Oliver sa piling ng sariling pamilya, si Wylin ay taken na, , , si Lorry naman ay taken narin, , hahaha Yes tama nasa sa isip mo, si Lorry nga at si Japs, , ma swerte si Lorry kay Japs, gwapo, macho may abs ang dibdib machong macho, matangkad at maputi si Japs laking States kasi at may lahing Amerikano, Babae kung ituring ni Japs si Lorry, sinusundo minsan sa school pag naunang umuwi ni Japs, sa University of the West nag aaral si Japs sa kursong BS Engineering. . Naging matatag ang pag mamahalan ni Japs at Lorry, ,, , samantalang ang pag mamahalang Oliver at Lorry ay bilang isang Best Friend Forever na nag dadamayan sa kahit anong unos na dumating sa kanilang buhay,!! at dito nag tatapos ang kwentong ito, , maraming salamat po. . .)






♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥
           THE END          
♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥
                                                                                                                 




   by: Raymund A. Aripal ☻